RX Top Quotes for the Day: Hate it when that happens…


Enjoy these RX Top Quotes for the Day for a rainy Wednesday!

RX Top Quotes for the Day

RX Top Quotes for the Day: Hate it when that happens…

  • Umuwi ka ng walang kuryente, walang lutong ulam at walang tubig!
  • Yung sabi ko magmomove on na ako pero isang ngiti mo lang at ako’y napapaamo
  • Nailagay mo na yung final item sa bag mo then bigla kang mag-OOT sabi ng boss mo
  • Yung magtetext ka ng maggoodbye, yung perfect goodbye kasi may kalandian ka, tapos naformulate mo na pero naubusan ka ng load
  • You’re browsing your IG then bumabalik sa pinaka-top
  • Yung nakadiet mode ka na, tapos on the 2nd day may manlilibre ng buffet RX Top Quotes for the Day: Hate it when that happens…
  • Yung mag-iinstant noodles ka tapos hindi pala hot water nailagay mo.. pagsubo mo crunchy pa yung noodles
  • Reunion nyo ng high school friends mo tapos kasama mo yung crush mo (babae).. tapos sabi sa’yo ng high school friends mo “Hoy bakla kumusta na?”
  • Yung effort mong binuksan yung backpack mo sa mall tapos tutusukin lang pala ng stick (I wanna take a ride on that disco stick!) RX Top Quotes for the Day: Hate it when that happens…
  • Yung wala kang choice kungdi sampalin yung sarili mo para patayin yung lamok  (Sorry me..pak!)
  • Yung sabihan ka ng kakilala mong pangit na “ Ayoko nga baka ma-inlove ka pa sa akin” sabay pa-cute ( Sarap buhusan ng noodles!)
  • Yung maghihi-five ka tapos mag-fifist bump sya para kayong nagbabato-bato pick (Then icloclose mo yung palm mo parang naghoholding hands kayo)
  • Finally tapos na yung pagsasabon mo sa katawan mo , yung sa final body part mo (private or public, depende sa mood)  tapos nawalan ng tubig
  • Yung dati mong kakilala tapos di mo maalala pangalan nya.. tapos sasabihin nya “Kilala mo ba ako, cge nga anung pangalan ko?”
  • Yung araw-araw todo make up ka, perfect make up then blow dried hair tapos the one day bibili ka ng suka sa tindahan, bagong gising, mukhang basura ,naka-duster, tapos dun mo makaksalubong crush mo. (Kung kelan pa talaga)
  • Yung ang sikip-skip sa MRT or LRT, tapos first station dalawa baba tapos bente papasok
  • Yung akala mo silent assassin yung utot mo tapos yun pala 4h of July (Boom!)RX Top Quotes for the Day: Hate it when that happens…