Mabibigat na Pagsubok sa Let The Love Begin Week 7


Nagulantang tayo sa pagtatapos ng week 6 dahil sa pagkakahulog ni Tony sa bangin, na sinundan naman ng pagbaha ng luha dahil sa mabibigat na pagsubok sa Let The Love Begin Week 7.

Naging malubha ang kalagayan ni Tony na agad na na-ICU dahil sa dami ng dugong nawala dito. Ilang araw itong na-comatose na lubos na ipinag-alala ni Pia ngunit ikinatuwa naman ni Celeste. #LTLBHoldOnTony

Lubos na naapektuhan si Pia na sinisisi ang saril sa lahat ng nangyari lalo na at ayon sa doktor ay maaring hindi na makapagsalita at makalakad ang kaniyang Daddy.Ilang beses man siyang inalo ni Erick ay hindi pa rin ito mawala sa isip ni Pia. Dahil na rin ito sa tinuran ni Celeste na pinagbintangan si Pia na kakonchaba ni Tony sa pakikipagkita sa baba ng huli. Mabuti na lang at may DJ JuanD na patuloy na umaaliw at nagpapagaan ng loob ni Pia . #LTLBLabanLangTony

ltlb 7

Hindi lamang si Pia ang tumatangis sa nangyari kay Tony dahil si Sofie man ay nanlumo. Bukod sa katotohanang nasa ospital si Tony ay hindi pa niya ito malapitan dahil laging nakabantay si Celeste.

Nagtangka si Sofie na dalawin si Tony at sa di inaasahang pagkakataon ay nakasalubong pa nito si Pia sa ospital.But sad to say hindi siya nakilala ng anak niya. Hindi naging successful si Sofie sa kaniyang pagdalaw dahil inabutan siya ni Celeste at itinaboy. Naghihirap ang kalooban ni Sofie bilang ina dahil lumalabo na ang pag-asang magkakilanlan pa sila ng kaniyang anak na matagal niyang hindi naalagaan at nakasama.

Pero hindi sumuko si Sofie. Pumunta siya sa bahay mismo nila Tony para harapin si Pia mismo this time. Kaya lang may naging malaking hadlang si Luchie. Hinarang ni Luchie si Pia at ipinadampot si Sofie ni Celeste sa mga guwardiya ng village. Isang muntik-muntikang pagkikita ng mag-ina ang muli na namang naudlot.

Sa mga huling episode ng Let The Love Begin Week 7 ay natawagan ni Sofie si Pia. Nung unang tawag ay hindi sila nagkarinigan at sakto naman na kinumpiska ni Celeste ang celphone ni Pia. Sa sunod na pagtawag ni Sofie, si Luchie ang nakasagot at nagpanggap na si Pia. Sinabi nitong patay na ang kaniyang ina at kung kailangan nito ng pera ay wala itong makukuha. Naging napakasakit  kay Sofie ang mga katagang ito. #LTLBPagpapanggapNiLuchie

Let The Love Begin Week 7

 

Samantala si Celeste naman ay patuloy ang kasamaan. Walang habas nitong inamin habang nakaratay si Toni na siya ang naganakaw ng nawawalang malaking halaga sa Celestial Publishing. Ipinagsigawan din nitong hindi niya hahayaang maging one happy family sina Tony, Sofie at Pia. Naglevel-up pa ang mga masamang plano nito ng sugurin nito si Sofie sa bahay. Isang umaatikabong catfight ang naganap, buti na lang ay dumating ang kaibigan ni Sofie. Naawat ang away ngunit nagbanta Celeste na “This is just the start Sophie. Pero eto ang tandaan mo I will never ever let go of Tony!” #LTLBCelesteSofieRumble

Let The Love Begin Week 7

Pero kung anung tapang ni Celeste ay siya namang pagbahag ng buntot nito ng may mga pumuntang pulis sa ospital upang ibalita na ayon sa kanilang imbestigasyon ay hindi aksidente ang nangyari kungdi may nagtangka sa buhay ni Tony. Nagdeny si Celeste na may alam sya pangyayari at ibinunton na naman lahat sa kabit umano ni Tony. Kabado si Celeste kaya isang plano ang binubuo ni Celeste kasama ang pamangking si Luchie.

Matatapos na sana ang kasamaan nina Celetste at Luchie dahil narinig ni Yaya Eds ang pag-uusap ng mga ito tungkol kay Sofie. Pero sa kasamaang-palad nahuli si Yaya Eds at binlackmail siya ni Celeste. Magtatapat na sana si Yaya Eds kay Pia pero hindi ito natuloy dahil sumulpot si Luchie.

Bago nagtapos ang Let The Love Begin Week 7 ay dumating na si DJ Jeni mula sa kaniyang Cebu tour.Sa pagabalik nito sa SkyFM ay magandang balita ang inihatid nito kay Joms dahil naging mainit ang pagtanggap sa kniya ng mga listeners. Nang biniro siya ni DJ Jessy na sikat na sikat na isang funny quote ang isinagot ng ating lady DJ , ika niya “Sikat lang. Sikat na sikat , araw na yun” 

Nalaman din ni DJ Jeni ang patuloy na pagtaas ng ratings ng show ni DJ JuanD. Pero bagama’t natuwa ito sa career ni Erick ay nalungkot ito ng malaman niya ang nangyari sa kaniyang ‘Bes Tony. Nang natiyempong wala si Celeste sa ospital ay dumalaw silang pamilya dito.

Let The Love Begin Week 7

Ang huling episode ng Let The Love Begin Week 7 ay nakaka-kaba dahil muling bumalik ang mga police dala ang cartographic sketch ni Sofie. Nagharap si Celeste at Sofie sa presinto kung saan matapang na sinabi ni Sofie na hindi siya susuko.

Bukod pa diyan ay sa wakas! Nagkaroon ng pagkakataon si Yaya Eds at na ipagtapat kay Pia na buhay ang Mommy nito.  #LTLBYayaEdsRevelation

Ngunit sadyang mautak si Celeste at isang hired killer ang balak gamitin nito sa mga taong hahadlang sa kaniyang evil plans.

 

Anu ang mangyayri kay Yaya Eds? Lalo na kay Pia ngayong alam na niya ang katotohanan.

Gagaling na kaya si Tony na sabi ng doctor ay bumubuti na ang kalagayan?

Tutukan ang Let The Love begin dahil walang duda na paganda ng paganda ang storya nito!

 

Mga Kapuso keep the fire burning sa ating Tweeter Party!

 

twit

aisi

 

 

 

0 comments