It’s a Complicated Let the Love Begin Week 8


Mula sa nakakabitin na pagtatapos ng Let The Love Begin ng nakaraang linggo, ay naging kumplikado naman ang mga sitwasyon ng Let the Love Begin Week 8.

piaNakapagtapat man si Yaya Eds kay Pia na buhay si Sophie, nahuli naman ito ni Celeste. As expected gumawa ng kwento si Celeste kay Yaya Eds na sinabing nagsisinungaling ito dahil hindi napayagang makabale sa sweldo. Dahil dito agarang gumawa ng paraan si Celete at pinatahimik si Yaya Eds sa pamamagitan ng hired killer.

Gulong-gulo ang utak ni Pia sa mga nalaman at sa pagkawala ni Yaya Eds kaya’t kumunsulta ito kay DJ JuanD at nagpasaklolo din kay Erick. Muntik pang mahayag ang katauhan ni DJ JuanD dahil sa katagang “Truth hurts for a while but a lie hurts forever.” Sa desisyong harapin ang katotohanan, nagtanong si Pia sa kanyang Daddy Tony mismo na nasa ospital pa rin. Sa pamamagitan ng pagkurap ng mata, ipinagtapat na ni Tony kay Pia na buhay ang ina nito at siya ang babaeng sopresa sana niyang ipakikilala sa anak. Pumunta si Pia at Erick sa pulis na nagiimbestiga ng kaso ng Daddy nya upang hingin ng address ng ina. Subalit hindi sila napagbigyan bilang sila mga minors pa.

ltlb 3Sa kabilang banda, pagkatapos ng mainit na paghaharap ni Sophie at Celeste sa presinto nung week 7 ay inihanda na ni Sophie ang kaniyang sarili sa pakikipaglaban sa kustodiya ni Pia. Sa payo na rin ng kaniyang kaibigan kumuha ito ng abogado at nagbalak na lapitan si DJ Jeni, bilang ito ay bestfriend ni Tony.  Sinusundan na rin pala ng hired killer si Sophie kaya muntik na itong makidnap habang papunta sa Sky FM ng sadyain si DJ Jeni. At what a coincidence! Dahil si DJ Jeni mismo ang sumagip kay Sophie. Nang magkakilala na si DJ Jeni at Sophie ay napagkuwentuhan na nang dalawa ang sitwasyon ng pamilya Sta. Maria. Pero sa kasamaang palad ay narinig ni DJ Katy ang lahat at tinawagan nito si Celeste. Nagpakilala ito bilang isang anonymous caller at sinabing magkasama ang dalawang nagkakainteres sa kaniyang asawa.

 

Walang patumpik-tumpik na nagdesisyon si Celeste na iuwi si Tony sa kanilang resthouse sa Tagaytay paglabas ng ospital. Kaya’t ng puntahan nina Dj Jeni , Sophie at Erick ang bahay nina Pia ay di na nila ito naabutan. Nagkaroon muli ng pag-asa na magkita ang mag-ina ng matawagan ni Erick si Pia at nasabi na nito na kasama na nila si Sophie. Isang meet-up ang naisaayos sa isang restaurant, but sadly isang set up din ang ginawa ni Celeste.

let the love begin week 8

Isang pagsabog ang naganap sa restaurant dahil sa bombang itinanim sa kusina ng restaurant. Nalagay sa panganib ang mag-inang Sophie at Pia. Parang pinaglalaruan ng tadhan ang mag-ina dahil nasa magkatabing cubicle ng restroom ang mag-ina ng maganap ang pagsabog at parehas na na-trap. Nagpanic si Pia at si Sophie ang nagpakalma dito. Nakapag-usap at nakapag-hawak kamay ang dalawa ng hindi nalalaman kung sino sila sa isa’t-isa. Isang emosyonal na “so near yet so far” na tagpong ito.

#LTLBJeniToThe,Rescue, #PiaToMeetSofie,#LTLBHadlangSaPagkikita, #LTLBKalupitanNiCeleste, #LTLBJeniAndKatyRound2Let the Love Begin Week 8

Nang ma-rescue ang mag-ina ay nagkahiwalay silang muli dahil si Celeste ang nag-claim kay Pia. Iyak ng iyak si Sophie ng malaman niya ang lahat. Hindi na rin nila naabutan si Pia sa ospital na pinagdalhan nito.

More complications ang dumating sa ating mga bida sa Let the Love Begin Week 8.

Sa Sky FM, patuloy ang pangungutya ni DJ Katy sa mag-inang DJ Jeni at Erick. Nagbiro pa itong sana si Dj Jeni na lang ang nasabugan. Ikinapikon ito ni Erick pero pinigilan siya ni Joms na patulan si DJ Katy. Pero opposite nito si DJ Jeni na pinatikim ng isang sapok ang malditang DJ dahil sa comment nito. Si Joms naman ay di nakaligtas sa sampal ni DJ Katy dahil na naman sa selos. Hindi dito nagtapos ang gulo sa Sky FM . Isang riot ang naganap sa dalawang babaeng DJ sa staircase na ikinahulog ni DJ Jeni!

Let the Love Begin Week 8

Hindi na rin nagging maganda ang kalagayan ni Pia sa piling ng kaniyang madrasta na si Celeste at sidekick nitong si Luchie. Napagbuhatan na ni Celeste si Pia ng kamay at isang emotional blackmail ang ginagawa nito.

ltlb 7

Sa kabila ng pagpasya ni Nanay Tacing at DJ Jeni a huwag na munang makialam sa problema ng mga Sta. Maria ay hindi pa rin natiis ni  Erick na gumawa ng paraan para mahanap si Pia. At sa pamamagitan ng mga kaibigan ni Pia ay napuntahan nito ang bagong tirahan ng dalaga. Isang nakaknerbyos na pagkikita ang naganap sa Team Barbecue. Naikwento ni Erick ang nangyari sa naudlot nilang pagkikitang mag-ina at natawagan na rin ni Pia si Sophie.

ltlb 8

Ano ang mga ka-abang-abang sa week 9?

Well ang mga ito lang naman.

Kumusta si Dj Jeni pagkatapos ng aksidente? Magtatapos na kaya ang DJ Katy vs DJ Jeni ?

O lalo itong lalala?

Magkita na kaya finally ang mag-ina? Lalo na’t sa bahay mismo ng mga Sta. Maria pupunta si Sophie? Anu ang susunod na gagawin ni Celeste?

Let’s watch and see mga Kapuso!

Let The Love Begin Twitter

 

Aiai Delas Alas facebook

 

 

 

 

 

 

 

 

 

0 comments