Happy Beginnings at Sad Endings sa Let The Love Begin Week 6


Lalong lumalim ang storya ng ating paboritong primetime drama na Let the Love Begin, kaya naman sa Let The Love begin Week 6  magkahalong sad endings at happy beginnings ang sinuong ng ating mga bida.

Nag-iwan ng pag-asa ang last episode ng week 5 (Read:Sari-Saring Rekado sa Let The Love Begin)  dahil nagkita na si Tony at ang Mommy ni Pia na si Sofie na buhay na buhay.

Happy Beginnings

Sa pagpapatuloy sa Let The Love begin Week 6, nakapag-usap pagkalipas ng maraming taon sina Tony at Sofie. Nagkaroon ng linaw ang lahat sa pagakawala ni Sofie. Hindi pala ito nakasakay sa nagcrash na eroplano, bagkus nakulong ito sa abroad. Hindi napigilan ni Tony na maantig ang kaniyang puso sa sinapit ng kaniyang unang asawa. Nagsisi siyang hindi man lang niya ito natulungan at ang masaklap nagpakasal pa siya kay Celeste.  #LTLBTonySofieReunited

Walang ibang ninais si Sofie kungdi makita ang kaniyang anak na si Pia. Kaya’t patuloy itong nakipagkita kay Tony. Subalit ikinabalisa ni Tony ang pagbabalik ni Sofie . Ito ay dahil alam niyang lubos ang magiging kasiyahan ng kaniyang mag-ina kung mabubuo muli ang kanilang pamilya. Ngunit hindi rin niya alam kung paano iiwan si Celeste  #LTLBTheExIsBack

Isang happy beginning ang nagbabadya sa pamilya Sta.Maria dahil isang family reunion ang maaaring maganap kung sakali.

Let The Love begin Week 6 #LTLBTonySofieReunited #LTLBTheExisback

 

Sa kabilang banda, isang happy beginning naman ang naganap sa career ni Erick na naging a.k.a DJ JuanD as in Juan Direcho. Yes! Ang anak ng ating beteranang DJ Jeni ay sumunod sa kaniyang yapak at naging DJ na rin ng Sky FM. Aksidenteng nadiskubre ang hidden talent ni Erick ni Joms . Pero ang catch, si DJ JuanD ay isang mystery DJ na hindi pwede i-reveal ang identity.  #LTLBHello1D

Naging mabenta sa mga Sky FM listeners di DJ JuanD lalo na sa mga teenagers. Pati si Pia ay nadagit ng malamig na boses ni DJ JuanD. Nag-attempt pa nga ang dalagang ito na dalawin sa station si DJ JuanD. Mabuti na lang mabilis ding dumiskarte si Erick para hindi siya mabuking.

Pero katulad ng nakaraang linggo, opposite reaction pa rin si DJ Jeni na may Cebu tour ng Sky FM. Tutol pa rin ito sa Team Barbecue.

Let The Love begin Week 6

 

 

Sad Endings

Hindi nakalampas sa ating matinik na kontrabidang si Celeste ang pagbabago ni Tony. Nagsuspetsa si Celeste na may ibang babae si Tony. Hindi nagtagal ay natuklasan din niya ang lahat.

Sa isang dinner date nina Tony and Sofie ay nanggulo si Celeste at doon sumambulat kay Celeste ang masakit na katotohanan.

Problema and sunod na hinarap ni Celeste katulad na lang posibilidad na mawalan ng bisa kasal nila ni Tony at ang pagkawala ng shares sa properties ni Tony dahil wala silang anak.  At hindi lamang si Celeste ang stressed  sa mga pangyayari kungdi pati si Luchie dahil ayun nga sa kaniyang Aunt Celest “This is the end of our luxurious life.

Sinubukan ni Celeste na sirain ang ala-ala ni Sofie pero hindi siya nagtagumpay. Nauwi sa sad ending ang pagsasamang Celeste at Tony ng finally magdesisiyon ang huli na bumalik kay Sofie.#LTLBTonyLovesSofie

Let The Love begin Week 6

 

 

Pero ang pinaka-sad ending sa lahat dito sa Let The Love Begin Week 6  ay ang malagim na aksidenteng sinapit ni Tony dahil sa kagagawan ni Celeste.

Ni hindi man lang nito naipagtapat kay Pia ang lahat. #LTLBHulogSaBangin

Anu ang kahihinatnan ng mga pangyayaring ito?

Sa Let The Love begin Week 6, isang karakter na naman ang ating nakilala-

si DJ Uno (Phytos Ramirez). Pamangkin siya ni DJ Katy.

Anu ang magiging papel niya sa buhay ng ating mga DJ? Kung may DJ Katy vs. DJ Jeni na, magiging DJ JuanD vs. DJ Uno kaya ito?

Kaya’t ating tutukan ang Week 7 ng Let The Love begin.

 

Ipagpatuloy ang ating Twitter Power mga Kapuso dahil talagang trending ang daily hastags ng #LettheLoveBegin!

Let The Love begin Week 6

 

Let The Love begin Week 6

 

Let The Love begin Twitter

Aiai Delas Alas Twitter

0 comments