Sari-Saring Rekado sa Let The Love Begin Week 5


Pagkatapos tayong patakamin ng maaksyong week 4 ng #LTLB (Read: Isang Maaksyon na Let The Love Begin Week 4)  , sari-saring rekado naman ang pinatikim sa atin ng  Let The Love Begin Week 5.  Nandiyan ang gulo, saya, kilig at sorpresa na lalong nagpasarap sa ating pagsubaybay sa “Let The Love Begin” ng Kapuso GMA-7.

Kung nung nakaraang linggo ay nadiskubre na ni Pia na si Erick ang kaniyang childhood friend, expected na hindi malayong malaman ito ni ‘Bes Tony. Kaya lang sadyang wrong timing dahil naging sa gulo ang sitwasyon ng magsampa si Celeste ng kaso laban kay DJ Jeni dahil umano sa pananakit sa kaniya nung party. Lubos itong dinamdam ng ating pobreng DJ Jeni na nagkasakit dahil sa labis na pag-aalala. At to the rescue as always si Erick sa kaniyang butihing ina na si DJ Jeni. Kaya nga’t bukod sa pagtratrabaho sa bookstore ay naging water boy pa para sa ekstrang kita. 

Let The Love Begin Week 5

Makailang beses na nagharap si ‘Bes Tony at Erick sa mga naunang episode. Bilang isang protective father na hinarap ni ‘Bes Tony si Erick na tutol sa pagkikita nila ni Pia. Sa kabilang banda naman ay bilang isang loving son na nagmakaawa si Erick sa mga Sta. Maria na iurong ang kaso laban sa kaniyang ina na si DJ Jeni. Pero hindi lamang si Erick ang matapang na lumalaban dahil isang fierce na Nanay Tacing ang nagsurprise visit kay Celeste. Ipinakita ni Nanay Tacing ang tunay na kahulugan ng kaniyang family name na “Magtanggol” . Pero umandar na naman ang pagiging maldita ni Celeste na hinamon si Nanay Tacing ng “Kiss the bottom of my shoe!.”

Let The Love Begin Week 5

Buong tapang na kinaya ng mga Magtanggol ang pagsubok na ito at nagbunga naman dahil napalambot ni Erick ang puso ng kaniyang Tito Toni na nangakong kakausapin si Celeste tungkol sa kaso. Sa huli ay napuri pa nga siya ng kaniyang Tito Tony na isang “brave son”. 

Let The Love Begin Week 5

Good vibes at puro saya ang mga sumunod na mga pangayayari sa Let The Love Begin Week . Nakarecover na si DJ Jeni at nakabalik sa trabaho dahil sa good news from Erick. Isang welcome back party ang hinanda ni Joms at ng mga taga-Sky FM na muntik ng sirain ni DJ Katy kasama ang sidekick nitong janitor (Sancho Vito delas Alas).  Si Erick naman ay tuluyan ng tinanggap ng Tito Tony sa kanilang bahay at pinayagan ng makadalaw kay Pia. Nag-attempt pa si Luchie na sirain ang Pia-Erick moments ng utus-utusan nito si Erick , pero hindi sya nagwagi. Si Yaya Eds ang wagi dahil sa pagbuo ng Team Barbecue (Tabs + Sticks). Naimbita si Erick magdinner ng kaniyang Tito Tony at sa episode na ito naganap ang nakaka – kilig na “Let The Love Begin” duet ng Team Barbecue. #LTLBRomeoAndJuliet

Let The Love Begin Week 5

Nagkaroon pa ng #LTLBRomeoAndJuliet2 nangg sa di sinasadyang pagkakataon ay nadiscover sina PIa at Erick para gumanap sa isang Romeo and Juliet na short film para sa mga estudyante na nagsusummer classes.  Medyo nagstruggle si Erick sa kaniyang role at nabansagan pa siya na NGSB (No Girlfriend Since Birth). But in the end, naging successful ang lahat.

 

Kaya lang habang nag-eenjoy ang ating love team sa kanilang time together, ay may signs and symptoms na nafrefriend-zone ang ating Romeo! My selos factor pa nga na nangyari ng magkita si Pia at ang crush nitong si Charles habang kasama si Erick sa park.  At dahil diyan, nag -“May I consult” si Erick sa Black Book ni Danny para makakuha ng tips kung paanu manligaw. Nakakatawa ang naging the moves ni Erick para mapansin ni Pia.

Let The Love Begin Week 5

Pero hindi lamang ito ang magiging problema ni Erick, dahil naging vocal si DJ Jeni na ayaw nitong ma-involve ang kaniyang anak kay Pia dahil sa mga magulang nito.

Habang patuloy ang pagganda ng pagkakaibigan ni Pia kay Erick ay wala itong kamalay-malay na may isang mabigat na alalahanin ang kaniyang Daddy dahil sa mystery woman na tumatawag dito at nagpapakilalang aswa nito. At sa Let The Love Begin Week 5 ay naging malinaw na ang lahat. Ang mystery woman walang iba kungdi ang totoong mommy ni Pia talaga.

 

Isang sorpresa ang sumalubong kay Tony ng dalawin nito ang puntod ng kaniyang asawa na buong akala niya ay yumao sa plane crash. Isang buhay na buhay na Sophie (Rita Avila) ang nagbalik! #LTLBPiasMomIsBack

Let The Love Begin Week 5

Kaya’t talagang kasabik-sabik ang week 6 ng Let The Love Begin! Magkita kaya ang mag-inang Sophie at Pia? Anu ang mangyayari sa pamilya Sta. Maria lalo na kay Celeste?

Abangan ulit!

Salamat sa patuloy na suporta mga Kapuso! Muling nagtrending sa Twitter-verse ang mga hastags ng Let The Love Begin Week 5!

Let The Love Begin Week 5

 

 

Let The Love Begin Week 5

 

Let The Love Begin Week 5

 

 

0 comments

Trackbacks

  1. […] ng pag-asa ang last episode ng week 5 (Read:Sari-Saring Rekado sa Let The Love Begin)  dahil nagkita na si Tony at ang Mommy ni Pia na si Sofie na buhay na […]