Isang Maaksyon na Let The Love Begin Week 4


Punung-puno ng aksyon ang week 4 ng ating paboritong Primetime hobby na “Let The Love Begin”. Ilan sa ating mga bida ang nagsalpukan sa mga episodes.

Ito ang mga action scenes na nangayari sa  Let The Love Begin Week 4.

Action Scene no. 1 – ‘Bes Tony v. Erick

Maalalang nung week 3 ng  “Let The Love Begin” ay lumayas sa Pia sa kanilang bahay at nagkita sila ni Erick. Sa pagpapatuloy sa week 4, nagkaroon ng minor accident ang ating love birds na si Pia at Erick. Tuloy, sinalubong ng isang suntok ang muling pagkikita ni “Bes Tony at ni Erick. Dito napgtanto na ni Erick na si Pia ay si Sophia na si Tabs.

Let The Love Begin Week 4 #LTLBPiaAwayWithErick

#LTLBPiaAwayWithErick

Kahit hindi inamin ni Erick sa kaniyang nanay ang nangyari, lubos na nag-alala at hindi ito nagustuhan ni DJ Jeni. Naging napakalungkot ng mga sumusunod na pangyayari dahil pumagitna na si Daddy Tony sa communication ni Pia at Erick. Isang “Stay away from my daughter” ang tinanggap ni Erick mula sa daddy ni Pia.

Let The Love Begin Week 4 #LTLBPiaGrounded

#LTLBPiaGrounded

Pero hindi nagpatinag ang ating bidang binata na may regalo para sa ating bidang dalaga! Nagtangka pa rin si Erick na makipagkita kay Pia. Una sa pamamagitan ng mga kaibigan nito, pero mission failed. Naglakas loob pumunta si Erick sa village ni Pia pero hindi siya umubra sa mga security guards. Dahil hindi pa din sumuko, nang makakita ng pagkakataon ay sumakay sa delivery ng tubig si Erick para makapunta sa bahay ni Pia. At isang mala-Romeo and Juliet na sikretong pagtatagpo ay nag-sorry si Pia at Erick sa isa’t-isa. Isang makapag-pigil hiningang eksenang ito dahil muntik na silang mahuli hindi lang ni Luchie kung di pati ni Daddy Tony.

 

 Action Scene no. 2 – DJ Katy vs. DJ Jeni

Hindi rin napigilang magpang-abot ng dalawang DJ na ito. Isang bathroom confrontation ang naganap na nag-ugat na sa pagseselos na naman ni DJ Katy kay DJ Jeni at Joms. Sermon ang inabot ng dalawang DJ mula sa kanilang Station Manager na si Joms na naglitanyang “Start acting like adults” . Pero isang good news ang sumunod dahil isang hosting gig ang kanilang natanggap mula sa Celestial Publishing House na nakapgpatulala kay DJ Jeni.

Let The Love Begin Week 4

Action Scene no. 3 – Pia Vs. Luchie

Sa nalalapit na 10th anniversary ng Celestial Publishing House , nabiktima na naman si Pia ng pagsasabotahe ng madiskubre niya na ang gown na susuotin niya ay sira-sira na. Habang si Pia ay inis-inis sa nangyari, si Luchie naman ay prenteng-prente sa pagsusukat ng kaniyang outfit. Dahil alam ni Pia na walng ibang gagawa sa kaniya ng ganito, sinita niya si Luchie na of course ay todo deny at hinamon pang pag-usapan ito sa harap ng kniyang Uncle Tony and Aunt Celeste. Nagpupuyos sa galit si Pia ngunit mas nanaig ang payo ng kaniyang ama simula nung bata pa siya na ” Always be kind, always be loving , and always be understanding.”

Let The Love Begin Week 4

Muntik nang hindi na maka-attend si Pia sa party. Buti na lang nandiyan ang ever reliable na si Yaya Eds. Isang napakagandang Pia na nka-stunning red gown ang nag-grand entrance sa 10th anniversary ng Celestial Publishing House. Pati kay Erick,  na muli niyang nkatagpo ay nagawan niya ng paraan na makapasok ito sa party. Nagpanggap si Erick na waiter

Let The Love Begin Week 4 #LTLBAwkwardMoments

#LTLBAwkwardMoments

 

Action Scene no.  4 – DJ Katy – Celeste vs. DJ Jeni

Kahit kabado at nag-aalangan dumating sa event si DJ Jeni upang maghost kasama si DJ Katy. At dito nakatagpo si DJ Katy sa pang-aapi kay DJ Jeni ng makilala nito si Celeste. As expected, hindi pinalampas ni Celeste si DJ Jeni  na nagpaariba ng “I can buy you and your entire family” at pinauwi ang pobreng DJ.Bago umalis sa venue si DJ Jeni ay nagkrus naman ang landas nila ng kaniyang long lost inaanak na si Pia na nasa isang depressing na sitwasyon. Umiyak si Pia dahil sa speech ng kaniyang Daddy na nagpabalik ng ala-alang napakasakit sa kanya- ang pagkamatay ng anak ni Celeste.

 

Pauwi na lang lahat si DJ Jeni ay hindi  pa talaga nakuntento si DJ Katy sa kanyang revenge mode dahil sinet-up pa nito si DJ Jeni! Muli niyang pinagtagpo  ang dating magkaibigan na si DJ Jeni at ‘Bes Tony sabay tawag kay Celeste para ibuking. Riot na ang sumunod na eksena

#LTLBRoyalRumble

 

Action Scene no. 5  Luchie vs. Pia-Erick

Finally nagkita sina Erick at Pia sa party pero umentra na naman si Luchie. Sampalang Pia at Luchie ang sumunod na kaganapan na nauwi sa sa mas mainit na eksena dahil nagkaroon ng sunog sa venue. Pero mas mainit ang tagpong nagkakilanlan na nina Erick at Pia na sila Tabs at Stick sa wakas.

 

Action Scene no.  6 Sta.Marias vs. Magtanggols

Isang demanda ang nagtapos sa Let The Love Begin week 4. Idinemanda ni Celeste si DJ Jeni na ikinahimatay ng huli.

 

Magpatuloy kaya ang bakbakan sa week 5? Abangan! Samantala muling nagtrending ang ating mga hashtags for the week!

Let The Love Begin TwitterAiai Delas Alas

 

 

0 comments

Trackbacks

  1. […] tayong patakamin ng maaksyong week 4 ng #LTLB (Read: Isang Maaksyon na Let The Love Begin Week 4)  , sari-saring rekado naman ang pinatikim sa atin ng  Let The Love Begin Week 5.  Nandiyan ang […]