Tuloy ang Drama sa Let The Love Begin Week 3


Tuloy ang drama sa ating kinagigiliwang Primetime serye na “Let The Love Begin” #LetTheLoveBegin . Sa unang episode pa lang ng  Let The Love Begin Week 3 lumuha na ang ating dalawang heroine na si DJ Jeni (Aiai Delas Alas) at Pia (Gabbi Garcia).

Nagtapos ang week 2 ng “Let The Love Begin” #LetTheLoveBegin (Read: Ang nakaka-tense na Let The Love Begin Week 2) ng masaya para kay DJ Jeni dahil na-solve ni DJ Jessy ang kaniyang outfit problem para sa Sky FM event. Dahil dito unti-unti nang nakukuha ni DJ Jessy (Neil Sese) ang atensyon ni DJ Jeny. Pero mukhang pati si Nanay Tacing (Gina Pareño) ay nagiging interesado na rin kay DJ Jessy, dahil sa pagdududa nito na “confirmed” ang ating male DJ. Sa araw ng party, naging happy ang atmosphere sa bahay ng mga Magtanggol with matching pa-roses at moral support from kapitbahays sa paglabas ni DJ Jeni papuntang party.

Let The Love Begin Wk 3

Kaya lang na-unsyami ang happy moment ng magkita si DJ Jeni at DJ Katy (Gladys Reyes) na tinawag ang ating mabait na DJ  na “copycat” ay pinahiya sa party. To the rescue naman si Joms (Mark Anthony Fernandez). At hindi doon nagtapos ang pangdudurog ni DJ Katy sa ating butihing DJ na nagseselos din pala dahil ex nya si Jom.What a revelation! Ilan sa kaniyang mga kontrabida moves ay pagsabi niya ng “You’ll never make it” ; pang-aagaw pa ng raket; pamamahiya sa ere gamit ang “Jeni-wan”; at ang pinkamatindi ay paninira sa tinitindang puto ni DJ Jeni na umano’y nagpasakit sa kaniyang  tyan.

Let The Love Begin Wk 3

 

Let The Love Begin Wk 3

Dumadagdag pa sa mga alalahanin ni DJ Jeni ang mga problema sa mga bayarin. Good thing  nandyan ang mabait at supportive na mga anak ni DJ Jeni na si Erick (Ruru Madrid) at Elsa (Ar Angel Aviles) . Nakaka-touch talaga ang mga mother and son eksena . Isang blessing di ang dumating kay DJ Jeni dahil kasama na sya sa radyo rama ng kanilang station kung saan nagbalik ang ala-ala ng DJ-Jeni-‘Bes Tony days. Speaking of ‘Bes Tony, muling dinalawa nito ang kaniyang yumaong unang asawa upang i-open ang kaniyang challenges sa pagiging ama kay Pia.

Sa Sta. Maria household naman ng   Let The Love Begin Week 3 ay nabuking na ni Pia ang pilay drama ni Luchie (Rita Daniela). Kaya lang sadyang magaling ang ating teen kontrabida at ang ending si Pia ang napasama kay Daddy Tony (Gardo Versoza).

Sa kagustuhang bumawi ni Pia sa kaniyang Daddy, ay sinunod niya ang payo nito na gumawa ng “something productive” sa kaniyang summer vacation. Nag-sign up si Pia sa outreach program na Booklat at dito muli silang nagtagpo ni Erick Kaya lang sa muli nilang pagsasama ay nagpatuloy ang nakakakilig na asaran ng GabRu loveteam .

Let The Love Begin Wk 3

At dahil medyo natutuwa na si Daddy Tony kay Pia ay kabaliktaran naman mag-titang Luchie at Celeste(Donita Rose). Kaya’t nang makakita na naman ng opportunity na magdrama si Luchie ay nagpatihulog ito sa pool at pinalabas na si Pia ang tumulak sa kaniya. Higit sa pagkakasisi sa kaniya sa nangyari kay Luchie, lubos na nasaktan si Pia sa muling pagkakadiin sa kaniya sa pagkamatay ng anak ng kaniyang madrasta na si Celeste.

Let The Love Begin Wk 3

Buti na lang sa pagbabalik ni Pia sa Booklat ay pinawi ng “knight in shining armor” na si Erick ang kaniyang lungkot. .

Let The Love Begin Wk 3

But hindi pa rin happy ending ang  Let The Love Begin Week 3 dahil umentra na naman si Luchie para basagin ang “summer love” nina Pia at Erick.

Hindi ito nakalagpas sa bionic ears ni Luchie na of course nagsumbong na naman sa kniyang Uncle Tony. Grounded tuloy si Pia na naglayas dahil sa sobrang pagtatampo.  Nagtapos ang week 3 ng Let The Love Begin ng malakas.. malakas na ulan. May pasilip na kung bakit ang last hastag ng week 3. Mula sa drama ng week 3 ay isang maaksyon na week 4 naman ang susunod!

ltlb 9

Kaya mga Kapuso abang pa more kung anu mangyayari sa ! At salamat sa patuloy na pagsubaybay sa  #LetTheLoveBegin !

Let The Love Begin Wk 3

 

Bilang pagmamahal sa ating bida na si 

Dj Jeni

 ating suportahan si Ms.Aiai Delas Alas sa kaniyang

1st International Concert as Kapuso Star!Aiai Delas Alas Concert

Isama ang pamilya o barkada dahil may espesyal na Family Pack at Barkada Bundle and Kapusong Pinoy Concert –  Buy 6 get 1 free at Buy 10 get 2 free!

Paano bumili? Eto po ang contact details.

Mr.Gary Lising @ 775-713-0376

(Surrey/New Westminister/Burnaby)

Mr.Gary Lising @ 604-365-6086

(North Vancouver/Richmond/Vancouver)

 

Let The Love Begin Wk 3

 

Let The Love Begin Wk 3

0 comments