Ang nakaka-tense na Let The Love Begin Week 2


Sa katatapos lang na Let The Love Begin Week 2 , siguradong pati mga Kapuso viewers ay na-excite at na-tense sa mga eksena sa mga buhay-buhay nga ating mga bida.

lt

 

 

Ang Let The Love Begin week 2 episode ay ang continuation ng “After 10 yrs”  ng hiwalayang DJ Jeni at ‘Bes Tony .

Kung ating babalikan, ang mga huling eksena ng pilot week (Read: Unang Linggo ng “Let The Love Begin” – Patok sa mga Kapuso at Ratings! ), ito  ay ang pagbangon ni DJ Jeni sa kanyang pagkakahiwalay di lamang sa kanyang ‘Bes Tony kung di pati sa kaniyang pinakamamahal na trabaho bilang DJ.
Let The Love Begin Week 2

Ipinakita rin last week ang  transformation ni Tabs at Stick na naging ang gwapong binatang si  Erick (Ruru Madrid) na at ang magandang dalaga na si Pia (Gabbi Garcia) #LTLBGabRuNa.

Let The Love Begin Week 2

Naging exciting ang week 2 ng “Let The Love Begin” dahil nakigulo na rin ang ibang cast sa mga sumunod na episodes.  Una na diyan ang mga bagong magkaka-love interest kay DJ Jeni . Yes you heard it right! “MGA magkaka-love interest” na nakilala ni DJ Jeni sa kaniyang pagbabalik radyo bilang DJ Bebe-Yonce. Sila ay si  Jom (Mark Anthony Fernandez) ang station manager at ang co-DJ niyang si DJ Jessy (Neil Ryan Sese) .

Bukod sa kanila, isa pang karakter ang umeksena sa linggong ito na talaga namang ang lakas ng arrive! Ngayong week 2 ng  “Let The Love Begin” ay nag- “enter the dragona”  na si DJ Katy (Gladys Reyes) . Sa una palang nilang pagtatagpo ay ipinaramdam na ni DJ Katy ang pagkadisgusto nya kay DJ Jeni. Kaya’t sa kanilang bagong radio program na “Sugar Rush” ay hindi matamis ang kanilang pagsasama #LTLBJeniTVSKaty at puro maaanghang na salita ang litanya ng bitter  na si DJ Katy  .

Let The Love Begin Week 2

 

Sa Let The Love Begin week 2 ay nagbalik ang isa pang kontrabida.

Kung akala natin ay nawala na siya sa eksena ng #LTLBGoodbyeBes , aba! after 10 yrs., muling nagkrus ang kanilang mga landas. Dahil sa “Martilyo ” gang ay nagkita ulit si  DJ Toni at ‘Bes Tony (Gardo Versoza). Sad to say, ang #LTLBJeniTonyReunited ay naudlot sa pagdating ni si Celeste (Donita Rose) na di nagpapigil sa pag-atake kay DJ Jeni. At this time naging palaban ang ating DJ Jeni na tinawag si Celeste na “Maputlang babae na pinaglihi sa apdo ng isda sa pagka-bitter” . Pero bilang labis na mabait si DJ Jeni ay nauwi siya sa pagkukumpisal at pagsisisi sa nangyari.

Let The Love Begin Week 2

Hindi lamang si DJ Jeni ang may mga nakakatense na eksena dahil si Pia rin ay sobrang affected sa mini-Celeste na si Luchie (Rita Daniela). Nakakaimbyerna talaga ang pagpanggap nitong napilay dahil sa pagkakahulog sa hagdan na si Pia ang sinisisi . Ang pinaka sa lahat ay ang pagnanakaw sa tula ni Pia na dapat ay regalo ni Pia sa birthday ng kanyang Daddy Tony. Ang siste si Luchie ang nagregalo nito sa kanyang Tito Tony.

Let The Love Begin Week 2

Let The Love Begin Week 2

Dito rin sa week 2 ng Let The Love Begin  ipinakita ang magkaibang mundo nina Erick at Pia #LTLBWorldsApart na sabi nga sa kasabihan ay “pilit na pinagtagpo ng tadhana”. Epic fail ang una nilang pagkikita ng mag-CR is Pia Men’s CR  #LTLBHateAtFirstSight . Kaya no wonder and mga sumunod nilang face to face sa bookstore at sa kalsada  ay naging #LTLBAsotPusa sila.  Nang malaman ni Pia na may dapat siyang ipagpasalamat kay Erick dahil sa pagsoli nito ng kaniyang planner ay nag-sorry na ang dalaga sa mga hassle na binigay nito kay Eric. Pero nag-iba ang ihip ng hangin at binawi ‘to ni Pia. Ang ending , hindi pa rin ! Sa 3rd week kaya ?

Let The Love Begin Week 2

Let The Love Begin Week 2

Well, isa pang ka-abang-abang next week ay ang pagbuking sa drama ng mag-titang Celeste at Luchie. Ano kaya ang #hashtag nito?

Kaya tuloy-tuloy ang ating panunuod mga Kapuso! Dahil talagang paganda na ng paganda ang mga eksena ng ating !

 

 

 

aiai

 

0 comments

Trackbacks

  1. […] ang week 2 ng “Let The Love Begin” #LetTheLoveBegin (Read: Ang nakaka-tense na Let The Love Begin Week 2) ng masaya para kay DJ Jeni dahil na-solve ni DJ Jessy ang kaniyang outfit problem para sa Sky FM […]