Unang Linggo ng “Let The Love Begin” – Patok sa mga Kapuso at Ratings!


 

Let The Love Begin

Naging napakagandang simula para sa GMA Kapuso Network ang buwan ng Mayo dahil naging patok sa mga Kapuso ang pilot episode ng Let The Love Begin na nagsimula nung May 4 .

Sa pilot week ipinakilala ang tambalang DJ Jeni at ‘Bes Tony . Kahit hindi na ito isang teenage love affair, ang love story ni DJ Jeni at ‘Bes Tony ay mabilis na minahal ng ating mga Kapuso. Maraming ekesena ang nagpangiti at nagpaemote sa ating mga Kapuso  katulad na lang ng kissing scene ng magbestfriend na ito; ang assumera peg ni DJ Jeni at sino ba naman ang di makakalimot sa Jeni-wan moments.

Let The Love Begin

Mula sa www.facebook.com/LetTheLoveGMA

Talagang hindi pa rin kumukupas ang charisma ng isang Ms.Aiai Delas Alas, lalo na’t swak na swak ang kanyang motherly role na may pagka-independent woman on the side. Naging buhay na buhay ang karakter ni DJ Jeni sa pagganap ni Ms. Aiai Delas Alas dahil sa mga eksenang natural na natural ang dating. Masasabing isang grand comeback talaga ito ng ating Philippine Comedy Queen! 

Samahan pa ng beteranang aktres na si Ms. Gina Pareno bilang nanay ni DJ Jeni at ang nanatiling guwapong si Gardo Versoza bilang si ‘Bes Tony . Naging effective din ang unang kontrabida sa buhay ni DJ Jeni na si Donita Rose bilang Celeste. At siyempre walang duda na promising ang napakafresh na love team nina Ruru Madrid na si Erick/Stick at Gabbi Garcia na si Pia/Tabs sa teleserye.

Sa usapang ratings, hindi rin pahuhuli ang Let The Love Begin na naka-achieve at pumwesto sa Top 10 Most Watched Primetime Show!

Let The Love Begin ratings

Naging patok din sa Twitter ang mga  hashtag ng “Let The Love Begin sa” sa pilot week nito.

Let The Love Begin

Let The Love Begin

Sa mga darating na linggo mas lalong kaabang-abang ang mga episodes ng “Let The Love Begin” . Maraming kilig at emote moments  sa mga susunod na episodes. After 10 yrs, muling magkikita sina DJ Jeni at ‘Bes Tony na nagkaroon ng conflict at kasabay nito ay  uusbong na ang Sticks at Tabs love story.

Makikigulo na rin ang ibang cast tulad nina DJ Katy, the Diva DJ (Gladys Reyes), Jom (Mark Anthony Fernandez) , Jess ( Neil Ryan Sese) at Luchie (Rita Daniela).

Kaya mga Kapuso, patuloy tayong tumutok at sumubaybay! Higit sa lahat suportahan natin ang “Let The Love Begin”.

Makisali at makigulo sa mga Twitter party araw-araw mula 7:30 pm.

Let The Love Begin

Let The Love Begin

I-follow sa Twitter: @LetTheLoveGMA at gamitin ang #LetTheLoveBegin at isama ang hashtag of the day

I-like sa Facebook: www.facebook.com/LetTheLoveGMA

Let The Love Begin

Aiai Delas Alas

tweet

I-follow sa Twitter:   at gamitin ang #AiaiDelasAlas

Please Like AiAi Delas Alas official Facebook Fanpagewww.facebook.com/AiaiOfficial
AiAi Delas Alas concert
I-follow sa  Instagram: https://instagram.com/msaiaidelasalas/
 Let The Love Begin

 

 

Related Article: Kakaibang AiAi Delas Alas sa “Let The Love Begin”

 

 

 

Incoming search terms:

  • let the love begin ratings
0 comments

Trackbacks

  1. […] DJ Jeni at ‘Bes Tony  Kung ating babalikan, ang mga huling eksena ng pilot week (Read: Unang Linggo ng “Let The Love Begin” – Patok sa mga Kapuso at Ratings! )  ay ang pagbangon ni DJ Jeni sa kanyang pagkakahiwalay di lamang sa kanyang ‘Bes Tony kung […]