Mga Bonggang Pasabog sa AiAi Thanksgiving Concert


Tatlong araw na lang at dadagungdong na ang SM Skydome sa mga pasabog ng “Ai Am who Ai Am” A Thanksgiving Concert !

AiAi Thanksgiving Concert 2015

 

Naramdaman natin ang pagbabalik ni Ms. AiAi Delas Alas sa “Let The Love Begin” as DJ Jeni na nagpapasaya sa ating mga Kapuso gabi-gabi  . Patuloy din ang kaniyang pag-iikot sa mga Kapuso shows tulad ng paguest sa Eat Bulaga nung birthday ni Bossing; pag-upo as gangnammmm’s  sa Celeberity Bluff; pakikipagkulitan sa Tonight with Arnold Clavio  at isang upcoming episode sa Magpakailanman.
Kaya naman sa kaniyang “Ai Am who Ai Am” A Thanksgiving Concert , sure na sure na feel to the max na talaga natin ang pagbabalik ng nag-iisang Philippine Comedy Queen.

Alam na nating isang certified performer si Ms. AiAi Delas Alas . Talagang “I give my all” siya sa mga song or dance nos. na inihahain niya sa kaniyang mga fans. Hindi rin matatawaran ang comedy factor ng ating Philippine Comedy Queen na nagsisilbing Magic Sarap sa kaniyang mga performances. At of course,  idagdag pa ang mga signature malulufet at mataray outfits na inirarampa ng ating beautiful Ms. AiAi Delas Alas .

AiAi Thanksgiving Concert 2015

Kaya’t sa darating na Sabado, May 16, siguradong mabubusog ang ating mga mata sa mga bonggang pasabog sa AiAi Thanksgiving Concert !

Kasama ang mga Kapuso Hunks, ilan sa mga “Let The Love Begin” cast, isang hataw sa sayaw na dance group at isang biritera Diva , muling aangkinin ng ating Philippine Comedy Queen ang concert stage. Mga OPM , mash-up , ballad at upbeat songs ang naka-line up para sa concert na ito.

Pero hindi lamang magarbong production nos. ang ihahatid ng “Ai Am who Ai Am” A Thanksgiving Concert. Dahil ang free concert na ito ay isang pasasalamat din ni Ms. AiAi Delas Alas sa mga fans na patuloy na tumatangkilik sa kanya. Dito rin sa concert na ito natin ma-fifeel ang pusong ina ng isang Ms. AiAi Delas Alas na gagawin ang lahat para sa kaniyang unico hijo na si Sancho na isa na ring Kapuso artist.  Isang first-ever concert performance ni Sancho delas Alas ang mapapanuod sa “Ai Am who Ai Am” A Thanksgiving Concert.

AiAi Thanksgiving Concert 2015

Kaya’t kita-kits na sa Sabado, May 16 sa SM North Skydome! Dahil siguradong na-miss natin ang comedy concert ng isang Ms. AiAi delas Alas.

Ang pangako ng ating Phillipine Comedy Queen, first  30 peeps na walk-in sa concert venue ay may sure ticket!

Magsisimula ang show ng 8pm. Kaya alam na. Remember ang saying ” early bird catches the tickets..free tickets!”

Ciao!

AiAi Thanksgiving Concert

 

0 comments