Aiai delas Alas nakipagkulitan kay ‘Igan sa Tonight With Arnold Clavio


Sa pagpapatuloy ni Ms. Aiai delas Alas sa pagbisita sa mga Kapuso shows, dalawang episodes ng Tonight With Arnold Clavio (@) ang kaniyang binulabog dahil sa aliw at saya na hatid ng ating Philippine Comedy Queen. At dahil talagang namang game na game din makipagkulitan si ‘Igan (Arnold Clavio) sa kaniyang mga guests ay walang naging dull moments sa dalawang gabing guesting ni Ms. Aiai delas Alas.

Aiai delas Alas at Tonight with Arnold Clavio

Sa unang episode ay very sophisticated ang dating ni Ms. Aiai delas Alas with na naka-loud red blouse, agaw-pansin necklace at super big earrings. Pero sa kabila ng kanyang celebrity image ngayon ay ibinahagi ni Ms. Aiai Delas Alas ang kaniyang rags-to-riches na lifestory. Ayon kay Ms. Aiai mga taong 1980’s ay naging sales lady at secretary siya noon, ngunit isang di naasahang pagkakataon ang nagpabago sa tinatahak niyang career. Ito ay minsang  malasing siya sa isang music bar at napakanta. Dito siya nadiscover bilang isang bar singer, ngunit ayon kay Ms.Aiai  ay P200/araw lamang ang sahod niya noon. Kalaunan ay naging stand-up comedian siya sa mga comedy bars na naging stepping stones niya sa pagpasok sa showbiz. Si Mr.Nap Gutierrez at Mr.Alex Marcelino ang naging daan sa pagiging artista ng ating Philippine Comedy Queen. Kaya’t dahil sa kaniyang humble beginnings, ang isang payo na maibibigay niya sa kaniyang anak na si Sancho na nagsisimula na rin sa showbiz – “Yung mga paghihirap mo sa baba, ‘yan yung bibitbitin mo pag-akyat.

At ngayong balik Kapuso na si Ms. Aiai ay hindi lamang ang kaniyang showbiz career ang blooming kungdi pati ang kaniyang lovelife.

Ibinahagi ni Ms.Aaia kung paanong ang sports na badminton ang naglink sa kanila ni Gerald Sibayan. Isang rebelasyon ito na halos 13 yrs. na palang naglalaro ng badminton si Ms. Aiai at minsan ay kasama pa si ‘Igan! Kinikilig ding sinabi ni Ms.Aiai na recently ang ay nag-celebrate sila ng kaniyang bebe ng kanilang anniversary.

Sa TWAC picture games ni ‘Igan ay  nagbigay ng mga nakakatuwang komento si Ms. Aiai sa mga taong may konek sa kaniya. Una na dito ang “crush lang” niyang si Dennis Trillo, na sinundan ng BFF sa movie nyang si Uge (Eugene Domingo); mga komedyanteng sina Jose Manalo at Wally Bayola na tinawag niyang “Pambansang Roll-on;”  Asia’s Songbird Regine Velasquez na dapat kasama niya sa “Let The Love Begin;” real-life friend Bossing Vic Sotto na makakasama niya ulit sa MMFF 2015; ang all-time idol niyang “Star for all Seasons”  na si Vilma Santos; ang controversial BFF niyang si Ms.Kris Aquino na talagang napa-“Anu ba yan!” ang Philippine Comedy Queen; at ang “Primetime Queen” ng Kapuso GMA-7 na “Kambal” niya ayon kay Ms. Aiai na si Ms. Marian Rivera na may special phone patch pa.

Aiai delas Alas at Tonight with Arnold Clavio

Sa 2nd episode ng TWAC ay nag-change costume pa si Ms. Aiai na nagsuot pa ng maliit na corona na talagang bumagay bilang siya ay ang Philippine Comedy Queen. Nagkaroon ng “Let The Love Begin” special duet si Ms. Aiai at ‘Igan .

Aiai delas Alas at Tonight with Arnold Clavio

Isang special guest ang dumating na kasalukuyan ding kinagigiliwan ng mga Kapuso ngayon. Ito ay walang iba kungdi si “Cupcake” Gardo Versoza. Sa kanilang tsikahan portion, ipinakita ni Ms. Aiai  at Mr.Gardo Versoza kung gaano na kalalim ang kanilang friendship kaya naman komportable sila sa kanilang Dj Jeni – ‘Bes Tony loveteam sa “Let The Love Begin”  #LetTheLoveBegin.  Ika nga ni Ms. Aiai         “…swak na swak kami sa isa-t-isa.

Nakaka-touch din ang naging comment ni Mr.Gardo ukol sa isang Ms. Aiai delas Alas, aniya ” Totoong tao sya,maka-Diyos…Isa na siyang Reyna…Hindi siya umaalis sa pagkatung-tong sa lupa.

Aiai delas Alas at Tonight with Arnold Clavio

 

Isang charade game tungkol sa Ate Vi movies ang inenjoy ng grupo kung saan syempre wagi ang Ms. Aiai at Cupake tandem. Join din sa “OO” o “Hindi” game ang dalawa sa mga bida ng “Let The Love Begin” kung saan nabuking na nairequest na ni Ms. Aiai na maka-kissing scene ang crush na artista!  Hindi rin nagpatalbog ang AiDo (Aiai-Gardo) na isang “Endless Love” duet ang naging special performance ng gabing iyon.

Aiai delas Alas at Tonight with Arnold Clavio

Ang huling gimik sa Aiai delas Alas episode ng TWAC ay ang paghula ni Ms.Aiai ng mga movie titles ng mga linya ni Ate Vi sa mga pelikula nito. At hindi lamang paghula ang ginawa ni Ms. Aiai dahil with full emotions ay inarte niya ang famous “Si Val, Si Jun Jun, Ka Dencio, Anak” lines ni Ate Vi! Patunay na na hindi laman siya isang certified Vilamanian kungdi isang Comedy Queen na keri rin maging dramatic actress.

Sa pagtatapos ay muling inimbitahan ni Ms. Aiai ang mga Kapuso viewers na patuloy na subaybayan at suportahan ang “Let The Love Begin” at ang kaniyang darating na concert…sa abroad. Taray!

Salamat sa mga nanuod sa Aiai Delas Alas episode ng Tonight With Arnold Clavio ! Narito ang mga Tweet messages mula sa TWAC team at Ms. Aiai De las Alas.

 

Aiai Delas Alas Concert

Isama ang pamilya o barkada dahil may espesyal na Family Pack at Barkada Bundle and Kapusong Pinoy Concert –  Buy 6 get 1 free at Buy 10 get 2 free!

Paano bumili? Eto po ang contact details.

Mr.Gary Lising @ 775-713-0376

(Surrey/New Westminister/Burnaby)

Mr.Gary Lising @ 604-365-6086

(North Vancouver/Richmond/Vancouver)

Aiai delas Alas at Tonight with Arnold Clavio

 

 

 

 

0 comments