Kakaibang AiAi Delas Alas sa “Let The Love Begin”


Sa darating na Lunes  , May 4,  isang kakaibang AiAi Delas Alas ang ating mapapanood sa primetime ng GMA-7. Sa kaniyang pagbabalik bilang Kapuso star , isang exciting na role ang kaniyang gagampanan sa bagong Telenovela ng GMA 7 na “Let The Love Begin” .

Si Jeni  a.k.a DJ Bebe-Yonce  ang magiging bagong mukha ng  ating Philippine Comedy Queen AiAi Delas Alas na siguradong kagigiliwan ng ating mga Kapuso viewers.

Let The Love Begin

Photo from www.facebook.com/LetTheLoveGMA

Siguradong patok ang tandem ni DJ Bebe-Yonce at ang kanyang bestfriend na si Tony (Gardo Versoza) na nagbibigay ng advice sa kanilang mga lovesick listeners. Bukod sa pagiging DJ, si Jeni ay isa ring Ina sa kaniyang mga anak na sina Erick (Ruru Madrid) at Elsa (Ar Angel Aviles) na bunga ng kanyang sawing relasyon sa kaniyang alcoholic na boyfriend na si Enrico (Joko Diaz). Maraming pagsubok din ang dadaan sa buhay ni Jeni. Nariyan ang nkakastress na si DJ Katy, the Diva DJ (Gladys Reyes) mula sa karibal na istasyon. At maging si Tony at ang anak nitong si Pia (Gabbi Garcia) ay magiging bahagi ng kaniyang trials.

Let The Love BeginPero syempre may kilig moments din itong si DJ Bebe-Yonce na napakahaba ang hair dahil ang kaniyang Station Manager na si Jom (Mark Anthony Fernandez) at ang bestfriend nitong si Jess ( Neil Ryan Sese) ay parehas na may HD (hidden desire) sa ating DJ nanay.

Ang iba pang makikigulo sa eksena ay sina Celeste (Donita Rose), Luchie (Rita Daniela), Milton (Noel Trinidad), Rodney (Ricardo Cepeda), at marami pang iba.

Napakaraming dapat abangan kay Jeni, dahil walang duda na ay napakakulay at napakadrama ng kaniyang buhay sa “Let The Love Begin”.

Maraming eksena ang tiyak na makakarelate tayo dahil bukod sa pagiging love story ng “Let The Love Begin” ay iikot din ang kwento sa experiences ni Jeni bilang DJ Bebe-Yonce, bestfriend ni Tony, anak ni Lola Tacing (Gina Pareño) at higit sa lahat bilang isang Ina.

Talagang swak na swak ang role kay Ms. Aiai Delas Alas. Dahil bukod sa kiliting ihahatid niya sa ating mga puso, siguradong may mga eksenang may kurot sa puso mula sa Pambansang Ina .

Kaya kita-kits tayo sa May 4 mga Kapuso!

Please Like AiAi Delas Alas official Facebook Fanpage:
Follow Aiai Delas Alas in Instagram: https://instagram.com/msaiaidelasalas/
Follow Aiai Delas Alas in Twitter:   
For Let The Love Begin Facebook Page visit:

 

 

 

0 comments

Trackbacks

  1. […] Related Article: Kakaibang AiAi Delas Alas sa “Let The Love Begin” […]